“Sipag , tiyaga , tiwala sa sariling kakayahan at pag-ibig sa Panginoon ang naging mga baon kong sandata sa aking pagkapanalo.” ito ang mga katagang binigyang-diin ni Ethan Mesina sa kanyang panayam sa “ DepEd Dos In Focus” nang siya ay kapanayamin ng Public Affairs Unit  ng DepEd Regional Office 2 sa Bulwagan ng DWDA Radyo Pangkaunlaran 105,3 MHZ FM .

Napagtagumpayan nina Ethan ang ASEAN Quiz Bee kasama ang dalawa pang mag-aaral mula sa lungsod ng Pasig at Dagupan nang kanilang talunin ang walo pang bansa na kalahok  sa patimpalak. Tinanghal na kampeon ang bansang Laos samantalang ang koponan nina Ethan ay tumanggap ng tropeyo at perang halaga  ng $1,200